Gurong Nagpapabasa, Batang Nakakabasa 2.0: Pansanay na Oryentasyon Isinagawa Tungo sa Masiglang Kultura ng Pagbasa
by: Baby Lea C. Divino,PDO II/LRMDS

Isinagawa noong Hulyo 3, 2025 ang Pansanay na Oryentasyon para sa Proyektong Gurong Nagpapabasa, Batang Nakakabasa 2.0 sa pamumuno ng Schools Division Office ng Olongapo. Layunin nitong paigtingin ang kultura ng pagbabasa sa mga pampublikong paaralan. Pinangunahan ni Eleonor C. Cayabyab, EdD, CID Chief, ang pagbubukas ng programa. Nagbigay rin ng pamukaw-siglang mensahe si Ilynne S. Samonte, CESE, Assistant Schools Division Superintendent, kasunod ng mensahe ng suporta ni Imelda P. Macaspac, PhD, OIC-Schools Division Superintendent.
Ibinahagi ni Baby Lea C. Divino, Project Development Officer II, ang Marungko 2.0: Anyo, Bagong Sigla sa Pagkatuto, tampok ang paggamit ng makukulay at kawili-wiling mas pinaganda at pinalinaw na ilustrasyon upang mahikayat ang mga batang magbasa. Ang mga ilustrasyon ay likha ng mga 4th year students mula sa Gordon College–College of Computer Studies na sina Marc Angelon Reinzl Esteban, Railey James Diputado, Aijohn Deguit, Kyle Francis Llarenas, Carl Jhon Eufracio, Neil Adrian Figueroa, Jensen Fuertes, Daiki Hayashi, at Marc Adrian Fabian, sa gabay nina Dr. Erlinda S. Casela-Abarintos, CCS Dean, at Ronnie Luy, Assistant Dean/EMC Coordinator.

Tinalakay naman ni Ilynne S. Samonte, CESE, Assistant Schools Division Superintendent ang kampanyang Read-i Ka na Ba?, na gumagamit ng teknolohiya tulad ng sign language at letter recognition. Ang proyekto ay binuo ng development team na kinabibilangan nina Baby Lea C. Divino, Marco Luis D. Del Rosario, Gabrielle Mae Mendoza, Marianne Grace E. Lacibal, Marjorie L. Daquinag, Cyrus Ciel A. Apuli, at Special Education Teachers na sina Gng. Ophir P. Macarilay, SPED Teacher III – Olongapo City National High School, at Gng. Danna Mae P. Cortez, SPED Teacher I – Olongapo Elementary School.

Ibinahagi rin ni Jeffrey De Leon, Filipino EPS, ang E-Marungko bilang makabagong gabay sa pagbasa gamit ang digital tools. Si Raquel F. Queyquep, LRMDS EPS, ay nagtampok naman ng inisyatiba ukol sa pagbasa bilang pundasyon ng panghabambuhay na pagkatuto sa makabagong teknolohiya.

Ang oryentasyon ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng literasiya sa lungsod ng Olongapo

