(047) 222-2568 / (047) 603-0570 [email protected]
Republic of the Philippines Department of Education - Region III

Schools Division Office of Olongapo City

Philippine Standard Time: Loading...

News and Updates

Matagumpay na Paglulunsad ng 2025 Brigada Eskwela sa Olongapo City

by: Baby Lea Divino

Pormal na inilunsad ng Schools Division Office ng Olongapo ang 2025 Brigada Eskwela Division Kick-Off sa isang makabuluhang programa na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, mga kawani ng paaralan, at iba’t ibang sektor ng komunidad noong Hunyo 10, 2025.

Ang programa ay binuksan sa pamamagitan ng welcome message mula kay Dr. Eleonor C. Cayabyab, Chief ng Curriculum Implementation Division. Sumunod ang opisyal na mensahe mula sa Schools Division Superintendent, Dr. Imelda P. Macaspac, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng buong komunidad para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Isa sa mga tampok ng programa ay ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) na pinangunahan ni Hon. Pricilla “Echie” Ponge,  ABC President, kasama sila Hon. Rolen C. Paulino Jr., City Mayor ng Olongapo, Dr. Imelda P. Macaspac, OIC-Schools Division Superintendent at ang mga Kapitan ng Barangay.

Nagbahagi rin ng kanilang suporta at panata ng komitment ang ilang personalidad tulad nina Ma’am Annie Kawpeng, isang ALPABASA advocate, at Dr. Annabelle Alvaran, Optical Mission Advocate, na nanguna rin sa pamamahagi ng libreng eyeglasses sa mga piling benepisyaryo. Nagbahagi rin ang Federation PTA sa pangunguna ni Pres. Angela Esquillo ng industrial fan sa 37 schools na nakiisa sa fundraising activity ng samahan. Nagbigay rin ang Rotary Club of Olongapo ng 21 gallons ng pintura para sa mga schools na kailangang pinturahan.

Bilang bahagi ng seremonya, isinagawa rin ang turn-over ng water fountain mula sa kinatawan ng Subic Water para sa sampung paaralan, bilang bahagi ng suporta sa kalinisan at kalusugan ng mga mag-aaral.

Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Mayor Rolen C. Paulino Jr., na nagpaabot ng kanyang pagsuporta sa adhikain ng Brigada Eskwela at pagpupugay sa mga guro at kawani ng paaralan na patuloy na nagsisilbi para sa kabataan ng Olongapo.

Binigyang-pagkilala rin ang mga paaralan na nagpamalas ng kahusayan sa Brigada Eskwela Booth Making Contest, kung saan itinanghal na 1st Place ang Olongapo City National High School, sinundan ng Iram High School (2nd Place) at Iram II (3rd Place).

Isang Solidarity Message mula kay Hon. Priscilla Ponge, ABC President, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng lumahok at nanindigang ipagpatuloy ang kultura ng bayanihan tungo sa dekalidad na edukasyon para sa lahat.

Ang Brigada Eskwela ay patunay na sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan, paaralan, at komunidad, mas magiging handa at maayos ang pagbubukas ng klase para sa kabataang Olongapeño.