by: ARLENE EROY DELA REA
Labing tatlo (13) na Contract of Service Employees under Special Education Fund na Security Guards at Utility Workers ang nasorpresa at napasaya dahil tulad ng regular na empleyado, sila din ay nakatanggap ng gratuity pay sa halagang tatlong libong piso (P3,000) batay sa ipinatupad na Administrative Order No.20 ng ating Presidente.
Lingid sa kaalaman ng ating contractual employees na gumawa ng paraan ang ating mabait na School Superintendent na si Madame Leilani Samson Cunanan para sila rin ay mabigyan ng gratuity pay kapalit ng kanilang serbisyo sa buong Fiscal Year 2019. Ang hakbang ng Division Office ay agad namang sinang-ayunan ng ating mapagmahal na alkalde na si Atty. Rolen Paulino Jr. na agad kumilos upang mapabilis ang pag-aayos ng mga kaukulang dokumento ng ating City Accounting at Budget Office at maipagkaloob ito sa lalong madaling panahon. Sa kabuuan, ang halagang naipagkaloob ng ating butihing Mayor ay umabot sa Tatlumpu at Siyam na Libong Piso ( Php 39,000).
Hindi nila inaasahan na may gratuity pay sila na natanggap kasabay nang pagkuha nila ng sahod nitong Marso 2020, bagay na labis ikinatuwa ng ating contractual employees na sila: Mr. Dionisio M. Cuenco, Mr. Richard A. Fernandez, Mr. Carlito F. Rabago, Mr. Joseph M. Congzon, Mr. Jose Y. Awa-ao, Mr. Leodegario A. Bagsic, Mr. Nestor O. Fabrigas, Mrs. Margarita D. Omemaga, Mrs. Gina H. Ajoste, Mrs. Helen B. Gorembalem, Mr. Manuelito E. Ebbay, Mr. Alberto C. Dela Cruz at Mrs. Richelle Dava. Ang kaloob na ito ng pamahalaang local ay pandagdag sa kanilang gastusin sa panahon ng Extreme Enhanced Community Quarantine.