GOVPH

Republic of the Philippines
Department of Education – Region III

SCHOOLS Division Office of Olongapo City

Philippine Standard Time:

Mga Atletang Olongapo, Bumida sa CLRAA 2024, Nakamit ang Ikalawang Pwesto sa Buong Central Luzon

By: Arlene Dela Rea

Sa isang makasaysayang tagisan ng galing sa iba’t-ibang sports competition sa Tarlac province para sa CLRAA 2024, ipinamalas ng ating mga kabataang atleta ang kanilang husay at dedikasyon. Pati na rin sa ating DepEd Olongapo na pinamumunuan nina Dr. Imelda Macaspac at Dr. William Roderick Falorin, kasama ang lahat ng mga guro na naging bahagi ng delegasyon na nag-alaga at sumuporta sa ating mga atleta, mga coaches, at trainers, pati na rin ang ating mga magulang na nagbigay ng buong suporta sa kanilang mga anak.

Sa huling pagbibilang, nasungkit natin ang ikalawang pwesto sa kabuuang ranking ng CLRAA 2024, at nasungkit naman ang unang pwesto sa City Level, patuloy na pinatunayan ang kahusayan ng mga batang atleta na kaya nilang magtagumpay sa larangan na ito. Ang tagumpay ng CLRAA 2024 ay hindi magiging posible kung hindi dahil na pagsisikap ni Sir Saturnino Dumlao, Tagapamahalang Pang-Esport ng Division Office, na nakipag-ugnayan kay Sir David Bayarong ng City Sports Division. Ang tagumpay na ito ay matagal nang inaasam-asam ng Olongapeños, at sa tulong ng bawat isa, ito ay nagkaroon ng katuparan.

Ang DepEd Olongapo ay nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Mayor Rolen C. Paulino, Jr. at Congressman Khonghun para sa kanilang pagmamahal at malaking suporta na ipinakita sa mga atleta ng Olongapo. Malaking pasasalamat din ang ipinabot para sa lahat ng mga naging bahagi ng tagumpay na ito, lalo na ang ating mga magigiting na atleta. Mananatiling taas-nuo ang Olongapeño!