Ni Baby Lea C. Divino, PDO II
Olongapo City — Mayo 19, 2026. Matagumpay na naisagawa ang Presentasyon ng Iskedyul ng mga Guro at Iskedyul ng Klase ng 40 Paaralan sa Schools Division Office ng Olongapo City noong Mayo 18–19, 2026 sa Aurora Subic Hotel, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Dinaluhan ng mga Punong-Guro mula District I hanggang District IV ang dalawang araw na aktibidad, kung saan inilahad ang iskedyul ng mga guro at iskedyul ng klase sa patnubay ng kanilang mga kaukulang District Supervisor bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Layunin ng gawain na matiyak ang maayos na distribusyon ng mga guro, malinaw na iskedyul, at epektibong organisasyon ng klase sa bawat paaralan.

Pinangunahan ang aktibidad ng mga pangunahing opisyal ng dibisyon, kabilang si Ilynne S. Samonte, CESE, Assistant Schools Division Superintendent, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng masusing pagpaplano upang higit na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.
Nakiisa rin sina Dr. Eleonor C. Cayabya, Chief ng Curriculum Implementation Division, at Ricardo Ednave, SGOD Chief, na nagbigay ng suporta at patnubay sa mga kalahok sa isinagawang presentasyon. Dumalo rin ang mga Learning Area Supervisor, na nagbigay ng teknikal na gabay at mga rekomendasyon sa pagbuo ng mga iskedyul upang higit na matiyak ang epektibong implementasyon ng kurikulum.
Dumalo rin si Imelda P. Macaspac, PhD, Schools Division Superintendent, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng episyenteng pamamahala ng class program at maayos na pagbuo ng iskedyul upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
Sa aspeto ng administratibo at pang-personnel, sinuportahan ang aktibidad nina Jerimaine M. Perez, Administrative Officer IV (HRMO), katuwang si Karen Luisa M. Ceres, Administrative Assistant, upang matiyak na ang mga usapin sa staffing at iba pang pang-personnel ay maayos na naisaayos at natugunan.
Nagbigay rin ng mahalagang ambag si Rodel J. Martinez, Planning Officer, sa pagpaplano at koordinasyon ng aktibidad, na nagpatibay sa kahalagahan ng datos at sistematikong pagdedesisyon sa pamamahala ng mga paaralan.
Taos-pusong din nagpapasalamat ang Schools Division Office ng Olongapo City sa LRMDS Team na nagsilbing Technical Working Group, sa kanilang ambag sa matagumpay na paghahanda, organisasyon, at pagsasakatuparan ng nasabing aktibidad.
Naging mahalagang plataporma ang naturang gawain upang maipakita ng mga punong-guro ang kanilang kahandaan, makapagbahagi ng mga epektibong praktis, at makatanggap ng mga mungkahi para sa patuloy na pagpapabuti. Higit nitong napalakas ang koordinasyon at ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at ng tanggapan ng dibisyon.
Ayon sa mga opisyal, ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Schools Division Office ng Olongapo City na makapaghatid ng dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.


